sán•to 1: sa Katoliko Romano, tao na idineklarang banal ng simbahan 2: titulo ng isang santo o arkanghel 3: imahen o larawan na makikíta sa simbahan at tahanan ng mga Katoliko
Hu•wé•bes : ikaapat na araw sa isang linggo, ang araw na sumusunod sa Miyerkoles at sinusundan ng Biyernes
Bi•yér•nes Sán•to : sa mga Kristiyano, ang Biyernes bago ang Linggo ng Pagkabúhay at gumugunita sa pagkakapakò sa krus ni Kristo; tradisyonal na araw ito para sa pag-aayuno at penitensiya